18

By

Bong Revilla, tuloy ang pagtakbo bilang senador sa 2019

Sharing is caring!

Hindi umano makakasagabal sa kandidatura ni dating senador Bong Revilla ang kinakaharap pa niyang 16 kaso ng graft sa Sandiganbayan.

Ayon kay Comelec spokesperson James Jimenez, tuloy pa rin ang pagtakbo ni Revilla sa pagka-senador dahil wala pa namang pinal na desisyon ang korte sa kaso nitong katiwalian matapos pawalang-sala sa kasong plunder kahapon ng umaga.

Paglabag din umano sa tamang proseso ang agarang diskuwalipikasyon sa mga kandidato na may kinakaharap na mga kaso.

Naaayon umano ang pagdiskuwalipika sa isang kandidato sa batas at hindi sa pagkakadawit sa mga katiwalian at iba pang krimen.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?