20
ABANTE bong revilla laya
By

Bong Revilla, sumalang sa medical test bago pinalaya

Sharing is caring!

Dumaan sa pagsusuring medikal si dating senador Ramon “Bong” Revilla Jr., sa Philippine National Police (PNP) headquarters sa Quezon City nitong Biyernes.

Bahagi ito ng standard operating procedure o SOP bago ito palayain mula sa PNP Custodial Center.

Pinakawalan si Revilla matapos siyang ipawalang-sala ng Sandiganbayan sa kasong plunder kaugnay ng pork barrel scam.

Matapos ang acquittal ay nagpiyansa si Revilla para naman sa kinakaharap pa nitong 16 graft cases kaugnay din ng nabanggit na scam.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?
Tags: