75

Jul 1, 2020 @ 15:45
By

Bong Revilla sa amang si Don Ramon: You are our hero!

Naging emosyonal si Senador Ramon “Bong” Revilla Jr. sa pagbibigay ng kanyang speech sa necrological service ng kanyang amang si dating senador Ramon Revilla Sr. sa session hall ng Senado.

“Noong huli kang pumunta dito sa Senado, you were here to support me. ‘Yung mga pagsubok na hinaharap ko during that time, Daddy as I told you, babangon. Lilinisin ko ang aking pangalan. I will prove to them na malinis,” pahayag ni Revilla kasabay ng pag-iyak nito.

Nakalaya ang batang Revilla noong Disyembre 2018 mula sa pagkakulong matapos ma-acquit sa kasong plunder na may kaugnayan sa kontrobersiyal na P10 bilyon pork barrel scam.

Muling tumakbo sa pagka-senador noong 2019 ang batang Revilla at nagtapos ng pang-15.

“And to you Daddy, salamat sa lahat, salamat. ‘Di ko mararating ang kinalalagyan ko kundi dahil sa ‘yo,” madamdaming pahayag ng senador.

“Kung bibigyan ako ng pagkakataon na pumili ng ama, ikaw pa rin ang pipiliin ko maging Daddy. You are our hero,” sambit pa nito.

Sabi pa nito, hindi lang isang magaling na aktor ang kanyang ama kundi isa ring ‘genuine artist’ na nagsusulat, nagpo-produce, nagdidirek at bida sa kanyang mga pelikula.

“Siya ang tinaguriang ‘King of True-to-Life’ at ‘Agimat’ ng pelikulang Pilipino,” sabi ng batang Revilla.

Ang iba pang nagsalita sa necrological service ay sina dating senador Robert Jaworksi at Jose Lina, dating pangulong Joseph Estrada at Gloria Macapagal-Arroyo, Antique Rep. Loren Legarda at Senate President Vicente Sotto III.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?