15

By

Bong Revilla parang nananaginip

Sharing is caring!

Sinampal-sampal ni dating Senador Bong Revilla ang kanyang pisngi na tila kinukumbinsi ang sarili na siya’y gising at hindi panaginip ang nangyaring pagpawalang-sala sa kanya sa kasong plunder.

Sa kanyang Facebook post, lubos ang pasasalamat ni Bong sa Panginoon, kanyang mga taga-suporta, at pamilya na walang sawang sumuporta sa dating mambabatas sa lampas apat na taong legal battle.

“Thank you Lord, ‘yun lang masasabi ko at lumabas na ang katotohanan, nagpapasalamat ako sa mga patuloy na nananalangin sakin para ako’y maging matatag. Lahat ng ito sa inyo po mga kababayan ko,” saad ni Revilla.

Napawalang-sala si Revilla ng First Division ng Sandiganbayan para sa kasong plunder matapos makulangan umano sa ebidensya ang hukom na naglitis ng kaso.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?
## Sticky for mobile →Please put this tag in
"); document.write(""); }