26

By

Bong Revilla nakauwi na, dinalaw ang ama

Sharing is caring!

Matapos makalaya sa pagkakadetine, nakabalik na sa kanyang bahay si dating Senador Bong Revilla Jr. kasama ang kanyang pamilya at ilang taga-suporta.

Kinagabihan din ay dinalaw nito ang amang si Ramon Revilla Sr. na may karamdaman, na nababanaag sa mukha ang sobrang kagalakan na nakita na muli ang anak na malaya makalipas ang lampas apat na taon.

“Ito wala nang oras, wala nang limits, puwede na silang magkita kahit anong oras, kahit anong panahon, finally,” saad ng asawa ni Bong na si Lani Mercado.

Nagkaroon pa ng salo-salo sa kanilang bahay sa Cavite na napapalibutan ng ilang mga tagasuporta at mga taong malapit sa dating mambabatas.

Sa ngayon, magpapahinga muna si Revilla kasama ang pamilya at papagalingin ang kamay na namaga dahil sa pagboboksing.

Para naman sa Pasko, isa lang ang hiling ng pamilya Revilla, ‘yun ay magkasama-sama silang lahat kung saan uuwi ang ang anak nina Lani at Bong na si Ramboy at Inah sa Disyembre 25.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?
## Sticky for mobile →Please put this tag in
"); document.write(""); }