94

By

Bong Revilla nagbayad na ng P480K piyansa

Sharing is caring!

Makakalaya na si dating Senador Bong Revilla Jr.

Ito’y matapos mahatulan ng not guilty verdict sa kasong plunder ang nasangkot sa pork barrel scam dahil sa pagkamal umano ng P224.5M na pinadaan sa mga pekeng foundation ng mastermind na si Janet Lim Napoles at dating chief of staff ni Revilla na si Richard Cambe.

Nagpiyansa na ng P480,000 si Revilla para naman sa 16 counts ng kasong graft para sa pansamantalang kalayaan kaugnay din ng pork barrel scam.

Walang naging unanimous decision sa pagitan ng tatlong hukom sa Sandiganbayan First Division kaya’t nakakuha ng not guilty verdict si Revilla.

Ang nasabing hatol sa kasong plunder ay final at executory na matapos hindi na utusan ni ni Ombudsman Samuel Martires ang mga prosecutor na huwag nang mag-apela sa naging hatol.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?
## Sticky for mobile →Please put this tag in
"); document.write(""); }