122

Dec 24, 2017 @ 17:12

Bong Revilla makakapiling na ang pamilya sa bisperas ng Pasko

Makakasama na rin ni dating senador Ramon “Bong” Revilla Jr. ang kanyang pamilya ngayong bisperas na Pasko.

Kanina alas-10:00 na umaga ng umalis ng Philippine National Police Custodial Center sa Camp Crame si dating senador.

Sakay ng isang puting coaster si Revilla kasama ang kanyang staff na si Richard Cambe nang umalis sa Camp Crame.

Makakasama ni Revilla ng pamilya mula alas-11 ng umaga hanggang alas-9 ng gabi ngayong Disyembre 24, batay sa desisyon ng Sandiganbayan First Division.

Dumiretso si Revilla sa kanilang tahanan sa Imua, Cavite.

Sina Revilla at Cambe ay kinasuhan ng plunder kaugnay sa maanomalyang paggamit ng Priority Development Assistance Fund (PDAF).

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?