42

Sep 13, 2021 @ 18:32
By

Bong Revilla magpapamudmod ng pera, cellphone

Magpapamudmod si Senador Bong Revilla ng ayuda at mga gadget.

Bahagi ito ng KAP’s Amazing Agimat Birthday Giveaway na nagsimula noong nakaraang taon sa mismong kaarawan niya na September 25.

Sa halip na magsagawa ng pagdiriwang ay minabuti na lamang niyang mamahagi ng gadgets at pera.

Ngayon ay muli siyang magsasagawa ng ayuda at gadget giveaway.

“Abangan ang Kap’s Amazing Birthday Giveaway ngayong Setyembre! Kitakits mga kababayan!” saad ni Revilla sa kanyang official Facebook page.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?