1,330
revilla
Mar 9, 2018 @ 19:38

Bong Revilla 1,357 araw na sa kulungan: Hanggang kailan pa kaya?

Inalala ni dating Senador Ramon “Bong” Revilla Jr. ang kanyang unang pagtapak sa kulungan, apat na taon mula nang kusa siyang sumuko sa Sandiganbayan matapos masangkot sa P10-billion pork barrel fund scam.

“Halos apat na taon o mahigit 1,300 days na akong nakapiit mula sa aking pagsuko sa Sandiganbayan noong 2014,” pahayag ng dating senador at action star.

“Ilang birthday na nga ng aking mga mahal sa buhay at mga mahahalagang okasyon ang aking napalampas – mga mahahalagang oras na hindi na maibabalik – dahil sa aking kinalalagyan. Hanggang kailan pa kaya?” dagdag pa nito.

Aniya, hindi niya ‘deserve’ na makulong subalit buo pa rin umano ang kanyang tiwala sistema ng hustisya.

“Tulad ng ipinangako ko noon, patuloy kong hinaharap ang lahat ng mga paninira at kasinungalingan na ibinato nila sa akin,” anang dating mambabatas.

“Matatag, buong tapang at buong pag-asa kong sinasalubong ang lahat ng pagsubok na dumarating, sa kabila ng napakahaba nang panahong lumipas na hanggang ngayon ay wala pa naman napapatunayan laban sa akin,” wika pa nito.

Naniniwala si Revilla na bandang huli’y lalabas pa rin ang katotohanan at mapapawalang-sala siya sa maling mga bintang sa kanya.

“This will never weaken my resolve to fight for the truth and what is right. I am steadfast in my commitment to our kababayans.

“Naniniwala pa rin ako sa hustisya. I trust that the truth will prevail and that I will be vindicated. Tiwala ako sa ating mga hukuman na tanging makapaglilinis sa aking pangalan. Kumpiyansa akong makakamit ko pa rin ang katarungan.

“Salamat sa lahat ng mga nagdarasal para sa akin. Please continue to pray for me. Tuloy lang po tayo sa panalangin at diringgin din ito,” ayon pa sa dating senador.

Si Revilla ay kasalukuyang nakapiit sa Philippine National Custodial Center sa Camp Crame sa Quezon City.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?