82
views
bong-pineda

Bong Pineda, namigay ng pera sa Quiapo

Sharing is caring!

Namigay ng pera ang negosyanteng si Bong Pineda sa bawat madaanan niya sa simbahan ng Quiapo.

Ayon sa DZMM, inaabutan niya ng P100 ang mga tao kaya dinumog siya ng mga ito.

Nang magkagulo na sa loob ng simbahan, pinapila na lang ang mga tao sa labas.

Tumanggi namang magbigay ng pahayag si Pineda kung bakit niya ginawa ito at hindi tumanggap ng panayam.

Nasangkot si Pineda noon sa operasyon ng jueteng sa bansa kung saan ipinatawag pa ito sa Senado at mariin niyang itinanggi na may kinalaman siya dito.

Ayon pa sa ulat, regular na namimigay ng pera si Pineda sa lugar tuwing madaling-araw ng Biyernes o kung may okasyon, sabi ng mga tao sa Quiapo.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?