28

Feb 9, 2021 @ 18:43
By

Bong Gordon pumanaw na

Pumanaw na si dating Olongapo City mayor James “Bong” Gordon Jr. Kinumpirma ito ng kanyang kapatid na si Senador Richard Gordon sa Senate session kanina.

“He was a long-serving mayor of Olongapo, a stalwart volunteer during the Pinatubo eruption,” anang Senador.

Nagsilbi bilang alkalde ng ‘Gapo’ si Bong mula 2004 hanggang 2013.

Bukod dito, naging kinatawan din ang dating mayor ng unang distrito ng Zambales sa Kamara mula 1995 hanggang 2004.

Hindi naman idinetalye pa ng Senador ang sanhi ng pagkamatay ng kanyang kapatid.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?