190
Bong Go walang kasamang pamilya sa proklamasyon
May 22, 2019 @ 16:59
By

Bong Go walang kasamang pamilya sa proklamasyon

Hindi sinamahan ng kaniyang pamilya si Senator-elect Christopher Lawrence “Bong” Go sa ginanap na proklamasyon ng mga nanalong senador sa midterm elections nitong Miyerkoles.

Dumating si Go sa Philippine International Convention Center kasama ang ilan niyang staff at opisyal ng Malacañang kabilang na si Secretary Martin Andanar.

Sa ginanap na photo opportunity matapos ang proklamasyon ay mag-isa sa stage si Go hindi tulad ng mga kapwa niya senators-elect.

Simple lamang ang suot nito na naka-t-shirt na pula taliwas sa ibang mga kasama ma naka-gown o nagpasadya ng damit at Barong Tagalog.

Aniya, taga-Davao umano sila at hindi siya handa na magkakaroon ng proklamasyon ngayong Miyerkoles kung saan pauwi na umano dapat sila.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?