254

Nov 25, 2021 @ 14:53
By

Bong Go umaming may bisyo

Muling ipinahayag ni presidential aspirant at Senador Christopher “Bong” Go na nakahanda siyang sumailalim sa drug test anumang oras para matiyak sa mga Filipino na siya ay mentally at physically fit na maging pinuno ng bansa.

Ayon kay Go, mas gugustuhin niyang sumalang sa isang komprehensibong uri ng drug test gayundin sa neuro test.

“Walang problema sa akin. Anytime, kahit saan. Karapatan ng bawat Pilipino na malaman if you are fit to lead this country. Ayoko lang makipag-unahan sa kanila. Kung maaari ‘yung kumpletong drug test na talaga,” sabi ni Go sa ambush interview sa Quezon City noong Miyerkoles.

“Maraming klaseng drug test—may ihi, may hair follicle. So, kung ano ‘yung pinakakumpleto para walang pagdududa sa atin… Aside from drug tests, kahit neuro test. Ang importante mapatunayan natin we are fit to lead this country,” dagdag pa nito.

Subalit nilinaw ng senador na ang desisyon sa pagpapa-drug test ay dapat boluntaryo.

“Though hindi siya mandatory by law, ang importante ipakita natin sa publiko na wala silang maiiwang paghihinala,” ani Go.

“Ayokong makipagsiraan sa kapwa ko kandidato dahil kandidato rin ako, ‘no? Mahirap namang sabihin ko ito ang gawin mo, ito ang gawin nila. Dapat ito’y kusa para mapatunayan natin sa publiko na fit tayong mamuno ng ating bansa,” paliwanag nito.

Binigyang-diin pa nitong hindi pa siya gumagamit ng iligal na droga sa tanang buhay niya.

“Ako naman, no (never ako nag-drugs). Hindi rin ako mahilig uminom. Pero mayroon akong bisyo. Sabihin ko na lang sa inyo ngayon. Ang bisyo ko mag serbisyo. Bata pa ako, bisyo ko na ang magserbisyo hanggang ngayon,” pagtitiyak ng senador. (DIndo Matining)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?