52

Oct 27, 2020 @ 16:04
By

Bong Go: Tutuluyan mga kurakot sa gobyerno

Pinuri ni Senador Christopher ‘Bong’ Go ang ginawang pagbuo ni Pangulong Rodrigo Duterte ng pinalawak na task force na magsisiyasat sa mga ahensiya ng gobyerno na nababalot ng anomalya at korapsyon.

“Wala tayong pipiliin, wala tayong sasantuhin. Kasuhan na ang mga dapat makasuhan. Tuluyan ang mga dapat tuluyan. Towards the last one year and eight months of this administration, we must not hesitate in our quest to eradicate corruption,” pahayag ni Go sa isang statement.

“Ako at si Pangulong Duterte ay iisa ang hangarin na wakasan ang korapsyon, kriminalidad at iligal na droga sa ating lipunan upang makapag-iwan ng tunay na pagbabago sa bansa na ramdam ng taumbayan.

Sasamahan ko ang Pangulo sa laban na ito until the last day of his term and I will continue to fight for the welfare and interest of each and every Filipino even beyond his presidency. Isa lang ang interes namin at iyan ay ang kabutihan ng mga Pilipino,” dagdag pa nito.

Samantala, suportado din ni Senador Risa Hontiveros ang pangunguna ni Justice Secretary Menardo Guevarra sa gagawing imbestigasyon ng katiwalian sa iba’t ibang sangay ng pamahalaan.

“I would like to express my full support for Justice Secretary Menardo Guevarra as he leads a task force that will investigate corruption in various government agencies. I firmly believe he is up to the task,” sabi ni Hontiveros.

Ayon sa senador, kailangan magkaroon ng ‘collaborative effort’ para matigil na ang maanomalyang gawain na siyang nagpapahinta sa ilang institusyon ng bansa.

Aniya, nakikipag-ugyanan naman si Gueverra sa kanila sa kanilang pagsisiyasat sa iligal na gawain sa Bureau of Immigration patungkol sa notryus na ‘pastillas’ scheme.

“As an independent body, our committee at the senate will continue to investigate the illicit activities at our country’s arrival and departure gates, which have eventually led to the abuse of women and children,” ani Hontiveros.

“Still, I am reassured that we have an ally in Sec. Guevarra as he takes on this additional role in our relentless fight against corruption,” sambit pa nito.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?