198

By

Bong Go tatakbo sa Senado – Duterte

Sharing is caring!

Ibinigay na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang basbas sa kanyang aide na si Special Assistant to the President Bong Go para kumandidato sa pagka-senador sa 2019 midterm elections.

Sinabi ng Pangulo na maraming posibleng mangyari pero naniniwala ito na itutuloy ni Go ang plano.

“I think Bong Go is running. In Murphy’s Law, anything can happen but I believe he is running,” anang Pangulo.

Matatandaang sa tuwing tinatanong ang kalihim sa kanyang plano sa 2019 elections ay laging sagot nito na nasa pagpapasya ni Pangulong Duterte kung patatakbuhin siya o hindi sa darating na eleksiyon.

Sa mga talumpati ng Pangulo ay senador ang tawag kay Go kapag ipinapakilala ito sa mga bisita maging ito man ay sa bansa o sa abroad.

Walang tugon si Duterte sa tanong kung sino ang kukuning kapalit ni Go sa gabinete, lalo sa pag-asikaso sa mga mahahalagang utos at direktiba nito.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?