20

Jul 17, 2021 @ 16:28
By

Bong Go sa publiko: ‘Wag maging kumpyansa vs COVID

Nagbabala si Senador Bong Go sa mga taga-NCR na huwag maging kumpyansa kahit pa sunod-sunod na pagkakataon ng pinapairal sa lugar ang general community quarantine (GCQ).

Sa isang panayam kay Go sa DWIZ nitong Sabado, nanawagan siya na kung maaari ay magtiis pa ng kaunti sa mga restriction sapagkat mahihirapan na naman umano ang bansa sakaling mapilitang isara ang ekonomiya dahil sa COVID-19.

“Napapansin nyo po ang NCR regular GCQ wag kayo maging kumpyansa. Konting tiis lang po, maganda na ang takbo, may tendency kasi na kapag niluwagan kumpyansa na naman, marami pong kababayan natin ang mawawalan ng trabaho kapag nagsara,” pahayag ni Go.

“Kapag nagsara ang mall, pabrika negosyo marami nawawalan ng trabaho ito po ang mga isang kahig isang tuka sila po ang apektado, so tataas na naman ang unemployment natin, konting tiis lang kapag nakamtan na natin ang population protection at herd immunity, nakakatuwa naman po na dumarating ang mga bakuna,” dagdag pa ng senador.

Kaya naman nagpaalala ang mambabatas na siguruhing nasusunod ang mga health protocol sa mga establisyimento.

“Opo habang andyan pa po magingat tayo, napakahirap po maraming apektado kung pabaya tayo, face mask face shield, social distancing, nakikita ko marami na nagpaparty party ingat po kayo dahil super spreader po yan, natiis na nga natin ng 16 months, tiis pa po tayo. There is life at the end of the tunnel,” dagdag pa niya.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?