51
Bong Go sa mga empleyado ng gobyerno: Manatiling neutral sa mga kandidato
By

Bong Go sa mga empleyado ng gobyerno: Manatiling neutral sa mga kandidato

Inatasan ni dating Special Assistant to the President at senatorial candidate Bong Go ang kanyang mga tagasuporta na huwag magkabit ng kanyang mga poster at tarpaulin sa mga lugar na bawal paglagyan ng mga campaign material.

Kasunod na rin ito ng mga puna na may mga nakakabit umanong poster ni Go sa mga itinayong Malasakit Center sa iba’t ibang bahagi ng bansa.

Ayon sa dating top aide ni Pangulong Duterte, itulong na lamang sa mga nangangailangan ang mga gagastusin sa pagpapagawa ng posters o tarpaulins.

“Paulit-ulit ko na po sinabi, tanggalin niyo na po mukha at pangalan ko sa posters at tarps. Huwag niyo na po ikabit iyan. Itulong niyo na lang sa mga nangangailangan,” ani Go.

Maging ang mga empleyado ng gobyerno ay pinakiusapan ni Go na manatiling neutral at sumunod sa direktiba ni Pangulong Rodrigo Duterte na huwag makisawsaw sa anumang aktibidad na may kinalaman sa eleksiyon.

“Paalala rin sa mga government employees, stay neutral. Uphold political neutrality in the conduct of your official duties. Yan ang utos ng Pangulo. Itago niyo nalang sa puso ninyo sino tingin ninyo dapat magserbisyo sa kapwa Pilipino,” dagdag pa ni Go.

Binigyang-diin ng dating kalihim na lalaban siya nang patas at naaayon sa batas, at kung may makikitang campaign poster nito na nakakabit sa mga hindi awtorisadong lugar ay nakiusap na tanggalin ito.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?