18

Sep 22, 2020 @ 20:18
By

Bong Go sa CHED: Siguruhin kaligtasan ng mga guro, estudyante

Nanawagan si Senator Christopher ‘Bong’ Go sa Commission on Higher Education (CHED) at sa lahat state universities and colleges (SUCs) na tiyakin ang kaligtasan ang mga estudyante at ng mga guro sa gitna ng pag-adjust sa education system bunsod ng epekto ng COVID-19 pandemic.

“In the implementation of policies, listen to the students, the parents, the professors. We all have to be in this together. Nandito po ang national government para tumulong sa inyo,” pahayag ni Go sa budget hearing ng CHED at SUC.

Ginisa din nito ang CHED sa mababang bilang ng mga unibersidad at kolehiyo na may Centers of Excellence, Center of Development, na may recognized flagship program, at Autonomous o Deregulated status, o iyong may Level III at Level IV accredited programs.

“Only 18% of Higher Education Institutions are with Centers of Excellence, Center of Development, with recognized flagship program, with Autonomous or Deregulated status, or with Level III or Level IV accredited programs,” ani Go.

“Ideally, the more we have of these excellent educational institutions, the better the quality of our education,” dagdag pa nito.

Humingi din ito ng update sa CHED hinggil sa kanilang inisyatibo sa pagsawa ng serbisyo sa sektor ng edukasyon sa pamamagitan ng digital technology.

“I am pushing for the country’s transition to the digital age through the E-Governance bill I filed. I see that CHED has been implementing initiatives to render services through digital means,” ayon sa senador.

“On this end, what are the primary obstacles which the CHED had encountered in its initiatives to use information and communications technology to improve the higher education system and how did you address these?” tanong pa nito.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?