293

By

Bong Go patok sa mga tricycle driver, operator

Nakuha na ni senatorial candidate Bong Go ang buong suporta ng samahan ng mga Tricycle Operators Drivers Association (TODA) ng National Capital Region (NCR).

Sa katatapos lamang na motorcade sa Muntinlupa City, ipinakita ng buong grupo ang kanilang suporta kay Bong Go.

Ayon kay TODA NCR President Ace Sevilla, kailangan na magkaroon ng boses ang TODA sa Senado kaya isusulong nilang maipanalo si Bong Go.

Anya, mula noong nakaraang taon, nagkausap sila ni Bong Go sa kalsada lamang at doon pinakinggan ang tunay na hinaing ng tatlong gulong.

Hindi katulad ng ibang mga politiko, pinakakain sila sa masasarap na pagkain at nasa loob ng isang kuwartong malamig pero pagtapos nila mag-usap ay nganga na dahil walang aksyon na ginawa sa mga hinaing ng TODA.

Nais nilang maging kinatawan ng TODA si Bong Go, sa Senado upang bigyang-pansin tatlong gulong.

Igiinit ni Sevilla na tanging mga tricycle lamang ang walang diskwento sa gasolina, pero kung titingnan anya, kami ang malaking tulong sa taumbayan lalo na ng mga ordinaryong Pilipino.

“Wala kaming ginagawang transport strike,” dagdag pa ni Sevilla.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?