25

Jan 9, 2022 @ 14:37
By

Bong Go: Palakasin pa healthcare system

Binigyang diin ni Senador Christopher “Bong” Go ang kahalagahan ng palaging pagpapalakas ng healthcare system ng bansa sa gitna na patuloy na pandemya sa pamamagitan ng paglaan ng sapat ng pondo para dito.

“Dapat patuloy nating palakasin ang ating healthcare system sa pamamagitan ng paglalaan ng sapat na budget para rito, pagtatatag ng mga bagong ospital at pagdagdag ng bed capacity naman sa existing hospitals,” sabi ni Go sa isang statement.

“Napapanahon na rin na magkaroon tayo ng mga institusyon na nakatuon ang pansin sa pagtugon ng mga health crisis gaya ng pandemya,” dagdag nito.

“Overcoming COVID-19 must be towards being more prepared for future pandemics and other health crises,” diin pa ng mambabatas.

Bilang chairmarn ng Senate health committee, sinuportahan ni Go ang dagdag na pondo ng Department of Health sa deliberasyon sa Senado. Mahalaga aniyang ituon ang pagpondo sa kalusugan dahil sa banta ng paglutang ng iba pang variant ng COVID-19.

“Now, more than ever, we need to focus our spending on health. As Chair of the Committee on Health, I will ensure that we have sufficient funds to improve our COVID-19 response and assist our recovery efforts,” saad ni Go sa 2022 DOH budget deliberation.

Para magkaroon ng access sa kalidad ng health care sa bansa, sinuportahan ni Go ang pagpasa ng maraming local hospital bills kasabay ng pagsabing dapat talagang mamuhunan sa health care system ng bansa.

“Kaya tayo nahihirapan ngayon. Kaya kulang ang mga ospital, mga kama at equipment dahil hindi natin ginastusan agad ang health system natin,” ani Go.

“Kaya importante na matuto tayo sa COVID-19. Malampasan natin ito hindi lang para makapagligtas ng buhay ngayon pero para rin maihanda ang ating bansa kung sakaling may mangyaring ganito muli,” saad pa nito.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?