12

By

Bong Go, pakiyeme sa kanyang senatorial bid

Sharing is caring!

Maaga pa upang pag-usapan ang halalan sa May 2019.

Ito ang inihayag ni Special Assistant to the President Bong Go sa kabila ng inilunsad na “Ready Set Go” movement para himukin ang opisyal na kumandidato sa pagka-senador.

Sa ipinalabas na statement ni Go, masyado pang maaga umano para tutukan ang pulitika kaya trabaho muna ang unahin.

“But like i said, it is still too early to talk about politics. Trabaho po muna ako para sa pangulo at para sa bayan. At tulad po ng sinabi ko sa senado, at maging sa umpisa pa man, magsisilbi po ako kay Mayor Rody hanggang kamatayan, ani Go.

Nagsimula lamang aniya sa biruan ang lahat hanggang sa dumami na ang sumusuporta at nanghihimok sa kanya kasama na rin si Pangulong Rodrigo Duterte.

Sinabi ni Go na nakakataba ng puso na mismong si Pangulong Duterte ang nagsabing susuportahan siya ng buong-buo sakaling magpasya itong tumakbo sa darating na eleksiyon .

Para aniya sabihin ng Presidente na gusto siyang makatunton sa mataas na posisyon sa gobyerno ay indikasyon na hindi makasarili ang Presidente at lalong naging inspirasyon ito sa kanya.

“For the Mayor to say that he will support me to the hilt if I decide to run is more than I could ask for. For him to say that he also wants me to seek a higher post, to prove something to myself and that I could also grow, only shows how unselfish Mayor Rody is. I am deeply humbled by his inspiring words,”dagdag pa ni Go.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?