Bong Go, naka-selfie si Chinese leader Xi Jinping

Sharing is caring!

Naidagdag ni Special Assistant to the President Christopher ‘Bong’ Go si Chinese President Xi Jinping sa listahan ng world leaders na naka-selfie niya.

Nakakuha ng pagkakataon si Go na magkaroon ng larawan na kasama si Xi sa Boao Forum for Asia noong Martes na ginanap sa lalawigan ng Hainan, na dinaluhan ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Kabilang sa naka-selfie na ni Go sina US President Donald Trump, Russian President Vladimir Putin, Chinese Premier Li Keqiang, Australian Prime Minister Malcolm Turnbull, at Canadian Prime Minister Justin Trudeau.

Ang larawan nina Go at Xi ay ipinoste sa Facebook account ng “Go Na Tayo”, isang online community na nagtutulak sa una para tumakbo sa pagka-senador sa 2019 midterm elections.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?