22

Feb 13, 2021 @ 21:06
By

Bong Go nagpaulan ng biyaya sa mga nasunugan sa Cebu

Sumaklolo si Senador Bong Go sa mga biktima ng sunog sa tatlong purok sa isang barangay sa Cebu City.

Maliban sa pera, namigay din ang mga miyembro ng office of the senator ng mga food pack, vitamin, face mask at shield sa kabuuang 224 pamilya na tinupok ng apoy ang mga bahay sa Barangay Bulacao noong Pebrero 4.

May iba ring nakatanggap ng mga sapatos, bisikleta at computer tablet, ayon sa PNA report.

Pinayuhan din ng senador ang mga residente na mag-apply para sa government assistance sa Malasakit Center sa St. Anthony Mother and Child Hospital o Vicente Sotto Memorial Medical Center.

Samantala, nagbigay din ng hiwalay na cash assistance sa bawat pamilyang nasunugan ang Department of Social Welfare and Development sa Cebu.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?