18

Nov 10, 2021 @ 16:16
By

Bong Go nagbigay tulong sa residente ng Antipolo

Personal na binisita ni Senador Christopher “Bong” Go ang Antipolo City, Rizal nitong Martes, 9 Nobyembre para makipagpulong sa mga residenteng naapektuhan ng pandemya.

Kinausap niya rin ang lokal na pamahalaan ng lungsod ukol sa Covid 19 response ng mga ito.

Nag-alok ng tulong si Go sa kanyang tanggapan sa mga apektadong sektor at tiniyak sa mga mamamayan na sinisiguro ng Administrasyong Duterte ang pagpabangon ng bansa mula sa patuloy na krisis.

“Ayaw namin ni Pangulong (Rodrigo) Duterte na pinapasalamatan kami dahil trabaho namin ito. Kami po’y mga probinsyano lamang na taga-Davao na binigyan ng Panginoon ng pagkakataon na makapagserbisyo. Kaya hindi namin sasayangin ang pagkakataon na ito. Ibabalik po namin ang serbisyo na para sa inyo,” saad ni Go.

Namahagi ang Senador ng mga pagkain, food packs, bitamina at facemask sa kabuuang 728 residente. Binigyan din ang mga napiling tatanggap ng mga bagong pares ng sapatos at bisikleta para sa pag-commute papunta sa trabaho, at nagbigay din ng tablet para sa ilang mag-aaral.

Ipinagpatuloy ng senador ang kanyang mensahe na humihimok sa mga residente na panatilihin ang disiplina para malabanan ang Covid 19. (Sherrylou Nemis)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?