185

Mar 5, 2021 @ 20:23
By

Bong Go ‘manok’ ni Duterte sa 2022

Si Senador Bong Go ang napipisil ni Pangulong Rodrigo Duterte na kandidato para sa darating na 2022 presidential elections.

Sa kanyang talumpati sa aktibidad ng joint Task Force to End Local Communist Armed Conflict in Northern Mindanao na ginanap sa Cagayan de Oro City, sinabi ng Pangulo sa salitang Bisaya na angkop si Go na maging Pangulo.

“Presidente, tindog uli …tindog… he was with me for 21 years, from mayor until presidente,” anang Pangulo.

Mabait aniya at masipag ang senador at kahit saan siya pumunta ay kasama ang mambabatas.

Nauna pa aniya sumakay ng eroplano si Go at lahat ng mga nasusunugan ay pinupuntahan para tulungan.

Sinabi naman ni Senador Go nagpapasalamat siya sa tiwala ng Presidente pero hindi siya interesadong tumakbo sa mas mataas na puwesto.

Hangad lamang aniya ng senador na magserbisyo at tumulong sa mga mamamayan na hirap na hirap sa nararanasang pandemya.

“I am very grateful for the trust given to me by the President. Salamat po sa tiwala pero hindi po ako interesado. Pagdating sa politika, please count me out dahil kung hindi natin malalampasan ang krisis na ito, wala na tayong politika na pag-uusapan,” ani Go.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?