29

Bong Go kasado na sa All-Star 3-point shootout vs Caidic, Tiu

Sharing is caring!

Matagal nang tagahanga ng Philippine Basketball Association (PBA) si Special Assistant to the President Bong Go at nakatakda siyang maging parte ng liga sa bihirang pagkakataon.

Sasabak ang 43-anyos na si Go sa 3-point shootout sa pagbubukas ng PBA All-Star week sa Digos, Davao del Sur sa Mayo 23.

Ayon kay Commissioner Willie Marcial, kabilang sa makakalaban ni Go dito sina Allan Caidic at dating 3-point shooting champions Chris Tiu at Terrence Romeo.

Ani Go, isang karangalan umano na makipaglaban sa gaya nina Caidic at Tiu.

Umiskor noon ng 17 points sa kaparehong 3-point event si Go sa ginanap na 2013 All-Star game sa Davao.

“To Allan (Caidic) and Chris Tiu tsamba lang ‘yun,” ani Go, nang manalo noon sa All-Star game, limang taon na ang nakalilipas.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?