By

Bong Go ipinakilalang senador ni Duterte sa mga OFW sa HK

Sharing is caring!

Mismong si Pangulong Rodrigo Duterte na ang nag-endorso kay Special Assistant to the President Secretary Bong Go sa mga overseas filipino workers sa Hong Kong.

Sa kanyang talumpati kagabi sa Kowloon, Hong Kong, ipinakilala ng Pangulo si Go bilang senador na umani ng palakpak.

Ikinuwento ng Pangulo sa OFWs kung paano nakaladkad ang pangalan ni Go sa frigate deal hanggang sa humarap ito sa hearing sa senado at napatunayang walang batayan ang akusasyon.

Ang Presidente mismo ang nagsabi kay Go na ang pagharap nito sa senado ang magiging tiket para maging senador.

Naniniwala ang Pangulo na maraming bobotong pinoy sa Hong Kong kay Go pagdating ng eleksiyon dahil marami aniya siyang fans na hindi naman niya kilala.

“Sabi ko “Bong, this is gonna be your ticket to being a senator”. Matagal na ako sa pulitika eh. Once you harass a person and that person is really very good in the eyes of the public perception and….ginagawa mo.lamg hero eh,” anang Pangulo.

Bukod kay Go ay binanggit din ng Pangulo ang broadcaster na si Mon Tulfo na gusto rin umanong mag-senador pati na rin si Presidential Communications Operations Office Assistant Secretary Mocha Uson.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?