92

Feb 19, 2018 @ 11:05
By

Bong Go humarap sa pagdinig ng Senado sa frigate deal

Dumating ngayon si Special Assistant Secretary to the President Christopher “Bong” Go sa pagdinig ng Senado ukol sa kontrobersiyal na pagbili ng dalawang barkong pandigma para sa Philippine Navy.

Kasama niyang humaharap sa pagdinig sina Defense Secretary Delfin Lorenzana at Justice Secretary Vitaliano Aguirre.

Sumipot naman kahit hindi imbitado halos lahat ng mga miyembro ng gabinete.

Dumating sina Foreign Affairs Secretary Alan Peter Cayetano, Labor Secretary Silvestre Bello, Presidential Spokesperson Harry Roque, Presidential Political Adviser Francis Tolentino, Communications Secretary Martin Andanar at Solicitor General Jose Calida

Dumating din si Communications Assistant Secretary Mocha Uson at ang aktor na si Robin Padilla.

Sinabi ni Cayetano na nagkusa silang tumungo sa Senado para suportahan si Go at lalo na si Pangulong Duterte.

Batid daw nila na hindi si Go kundi ang pangulo ang puntirya ng mga nanggigigil na mapatalsik ito sa pwesto.

Sabi naman kay Uson, sinusuportahan nila si Go na aniya ay “biktima ng fake news at ng Rappler.”

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?