90

By

Bong Go hindi natinag sa bagong Pulse Asia survey

Napanatili ni dating Special Assistant to the President at senatorial candidate Bong Go ang kanyang matatag na puwesto sa 3-5 rank sa pinakabagong senatorial survey ng Pulse Asia.

Lumabas sa March 23-27 survey ng Pulse Asia na napanatili ni Go ang kanyang 3rd to 5th rank tulad ng February 24-28 survey ng parehong survey company.

Sinabi ni Go na kahit nakapasok siya sa top 12 ng survey, patuloy siyang mag-iikot sa buong bansa para magserbisyo, tumulong at makinig sa mga hinaing ng taumbayan.

Gaya aniya ng naipangako niya, kahit saang eskinita sa bansa ay papasukin para mapangiti man lang ang mga kababayan sa kanilang kalungkutan at mabigyan ng tunay na serbisyo.

“Tulad po ng sabi ko, patuloy po akong mag-iikot para tumulong at makapagserbisyo sa tao, kahit saang eskinita papasukin ko para lang marinig ang mga hinaing ng ating mga kababayan, mapangiti sila at maibsan ang kanilang kalungkutan at higit sa lahat at maiparating ang tunay na serbisyong kinakailangan,” ani Go.

Ikinatuwa din ni Go na mula sa 96% na awareness ay umakyat sa 99% ang awareness rating nito habang mula 53% ay umakyat sa 57% ang nagsabing iboboto siya.

Binigyang-diin ni Go na isa itong patunay na natutuwa at kuntento ang mayorya ng sambayanan sa pamamalakad ni Pangulong Rodrigo Duterte lalo na at siya ang nag-endorso sa kanya.

Nagpasalamat din ang dating kalihim sa mga tao dahil sa mainit na pagtanggap sa kanya saan mang lugar siya magtungo.

Ayon kay Go nakakawala ng pagod at nakakadagdag inspirasyon ang mga suporta at pagtanggap na ibinibigay sa kanya ng mga tao.

“Nagpapasalamat po ako sa ating mga kababayan na kahit saan kami magpunta ay napaka-init ng pagtanggap — kasing init ng panahon po ngayon. Talagang nakakawala po ng pagod,” dagdag pa ni Go.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?