2,096

By

Bong Go hinamon ang mga eksperto: Mauna kayo magpaturok ng Dengvaxia

Para patunayang ligtas ang kontrobersiyal na Dengvaxia, dapat umanong magpabakuna ang mga miyembro ng Food and Drug Administration (FDA) at health expert ng Dengvaxia, ayon kay Senador Bong Go.

Ani Go, chairman ng Senate Health Committee, hindi siya kumbinsido na safe ang Dengvaxia kaya dapat unang magpaturok nito ang mga eksperto.

“Wala naman po tayong klarong gamot for prevention po nito dahil ang Dengvaxia naman po, takot ‘yung tao at sabi nga ni Pangulong Duterte, kailangan pa ng mga expert bago po ito puwedeng gamitin ulit. Di po ako ganoon kakumbinsido. Para makumbinsi ako, kailangan ‘yung experts ‘yung magpaturok,” paliwanag ni Go.

Magugunitang kamakailan sinabi ni Pangulong Rodrigo Duterte na bukas siya sa muling paggamit ng Dengvaxia sa Pilipinas matapos magdeklara ang Department of Health ng national dengue epidemic noong Martes.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?