37

Nov 22, 2021 @ 16:01
By

Bong Go handang magpa-drug test

Handang sumailalim sa drug testing si presidential aspirant Senator Christopher “Bong” Go anumang oras kung kinakailangan.

“Ako naman po willing akong magpa-drug test anytime of the day kung kakailanganin,” saad ni Go.

Ani Bong Go, pumapayag siyang magpa-drug test upang mapatunayan sa mga Pinoy kung sino ang karapat-dapat na mamuno sa bansa.

“Although hindi mandatory, just to prove lang po sa Pilipino kung sino ‘yung fit na mamuno sa ating bansa ay willing po akong magpa-drug test any time of the day. Kahit saan po willing ako magpa-drug test,” dagdag pa ni Go.

Nauna na rito, sumailalim na sa drug testing ang tambalang Lacson-Sotto nitong Nobyembre 22. Nagtungo ang dalawa sa Philippine Drug Enforcement Agency, para sa drug testing.

Pahayag pa ni Sotto, dito magkakaalaman kung sino ang tunay na matapang.

“Magkaalaman na kung sino matatapang,” sabi ni Sotto.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?