335

Feb 24, 2020 @ 14:09
By

Bong Go: ABS-CBN nababoy si Duterte!

Nagsalita si Senador Bong Go hinggil sa umano’y galit at hinanakit ni Presidente Rodrigo Duterte sa ABS-CBN.

Tinira ng dating personal aide ng Pangulo ang mga advertisement na inere ng TV network noong Halalan 2016.

Bukod dito ay naniniwala si Go na ‘binaboy’ at ‘pinagmukhang masama’ raw ng broadcast giant ang Pangulo, dahil ‘negative campaign’ lang umano ang nilabas ng kumpanya kahit pa nagbayad ng P2 milyon si Duterte noong tumatakbo pa lamang.

“Hindi mababaw ang rason ng Pangulo sa kanyang grievances against the network. Nasaktan ang Presidente; nababoy ang presidente,” bulalas ni Go sa pagdinig ng Senado ukol sa prangkisa at mga isyung pinupukol sa TV network ngayong Lunes, Pebrero 24.

“Hindi vindictive ang Pangulo, but it is clear that someone went overboard in trying to malign him,” wika pa niya.

Pinaglalaban din nito na inuna umano ng kompanya ang “black propaganda” nito laban sa Pangulo.

Bilang tugon, humingi ng kapatawaran ang ABS-CBN President at CEO na si Carlo Katigbak kay Duterte, at sinabing walang “sariling political agenda” ang TV network.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?