1,385

Nov 25, 2021 @ 16:37
By

Bong Go aatras sa presidential race – Gov. Mamba

Aatras sa pagtakbong pangulo si Senador Bong Go, ayon kay Cagayan Gov. Manuel Mamba.

Sa ulat, sinabi ni Mamba na inihayag ni Go na magwi-withdraw siya sa kanyang pagtakbo sa pagka-pangulo sa pulong kagabi sa Malacañang kasama ang ilang gobernador, cabinet secretary at si Pangulong Rodrigo Duterte.

Ayon kay Mamba, sinabi ni Go na kailangan niyang gawin ito upang hindi magkawatak-watak ang kanilang partido at magkaisa para sa bansa.

Dagdag pa ni Mamba, ang desisyon ni Go ay para hindi rin mahirapan ang Pangulo dahil tatakbo rin ang kanyang anak na si Davao City Mayor Sara Duterte sa national post.

Tinanggap umano ni Pangulong Duterte ang desisyon ni Go.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?