24

By

Bon Jovi, the Cars, Nina Simone, pasok sa 2018 Rock and Roll Hall of Fame

Sharing is caring!

Kabilang ang mga alamat na sina Jon. Bon Jovi, the Cars at Nina Simone sa ilalagay sa Rock and Roll Hall of Fame ngayong taon.

Kasama rin ang bandang Dire Straits, The Moody Blues at si Sister Rosetta Tharpe, na namatay noong 1973 sa bibigyan ng kaparehong karangalan sa ika-33 taunang seremonya na idaraos sa Public Auditorium sa Cleveland kung saan naka-base ang Rock and Roll Hall of Fame.

Si Jon Bon Jovi na unang na-nominate noong 2011 ay isasama sa Hall of Fame kasama ang mga kasalukuyang miyembro ng kanyang banda na sina David Bryan at Tico Torres at mga dating bandmates na sina Richie Sambora at Alec John Such.

Ang singer, songwriter at gitarista na si Sister Rosetta Tharpe kasama ang soul singer at pinanista na si Nina Simone ay gagawaran ng “Award for Early Influence.”

Ang magkapatid na sina Mark at David Knopfler ng bandang Dire Straits ay nagpasabi na hindi sila makakadalo sa seremonya.

Ang Hall of Fame class of 2018 ay pinili mula sa 19 na nominee.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?