bon-jovi
By

Bon Jovi pasok sa Rock & Roll Hall of Fame

Sharing is caring!

Muling nakasama ni Jon Bon Jovi ang mga dating mga kasama niya sa banda na sina Richie Sambora at Alex John Such sa isang performance nitong Sabado kung saan iniluklok sila sa prestihiyosong Rock & Roll Hall of Fame.

Kasama ng tatlo ang mga kasalukuyang bandmates na sina David Bryab, Tico Torres at Hugh McDonald sa Public Auditorium sa Cleveland, kung saan nakabase ang Rock Hall.

Inawit ng grupo ang crowd favorites na “You Give Love a Bad Name” and “It’s My Life.”

Umalis si Sambora sa Bon Jovi noong 2013 at 1994 naman si Such.

Sabi ni Jon Bon Jovi, ilan taon na umano niyang pinaghandaan ang pagsulat ng kanyang Rock Hall speech.

“Some days I write the ‘Thank you’ speech, sometimes I write the ‘(Expletive) you’ speech,” sabi ni Jovi.

“In the end, it’s all about time. It took a lot of people to get us here tonight.”

Sinimulan ang 33rd annual Rock Hall ceremony sa pamamagitan ng pagbigay ng tribute sa singer na si Tom Petty, na namatay noong Oktubre

Bukod sa Bon Jovi, naluklok din ang The Cars at apat na first-time nominees na sina Nina Simone, Dire Straits, The Moody Blues at Sister Rosetta Tharpe.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?