25

By

Bombita, BaliPure babalikwas

Mga laro Sabado/Setyembre 21:

(Malolos Sports and Convention Center)

2:00pm — Chef’s Classics vs Choco Mucho

4:00pm — BaliPure vs Pacific Town Army

Babalikwas ang BaliPure mula sa pangwawalis ng Creamline sa huli nilang laban sa pagsagupa sa Sabado, alas-4 ng hapon, kontra Pacific Town Army sa second game ng 3rd Premier Volleyball League Open Conference 2019 sa Malolos Sports and Convention Center.

Puputulin nina Grazielle Bombita at Menchie Tubiera ang limang sunod na talo ng Purest Water Defenders hawak ang 2-8 panalo-talo kartada.

Wala man ang Lady Troopers head coach na si coach Kung Fu at opposite hitter Jovelyn Gonzaga ay handa namang saluhin ni Royse Tubino ang trabaho para sa Pacific Town na may 6-4 baraha.

Makakatuwang ni Royse si Jem Gutierrez na gumawa ng 15 points sa laban kontra Chef’s Classic nitong Miyerkoles.

Paluan rin sa unang laro sa alas-2 ang Choco Mucho Flying Titans at Chef’s Classics.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?