66

By

Bombers ni Meneses babalik sa D-League

Sharing is caring!

Agad na sisimulan ng binansagang Aerial Voyager na si Vergel Meneses at Jose Rizal University ang preparasyon para sa susunod na 94th NCAA seniors basketball tournament sa pagsaling muli sa 8th PBA D-League 2018 sa Enero 18.

“Marami pang dapat i-polish sa mga new player ko. They have to understand and accept the system. Maganda preparation to join the D-League for the next (NCAA) season,” sambit kahapon ni Meneses, isa sa 25 PBA Greatest Players.

Umabante ang Heavy Bombers sa quarterfinals ng Aspirants’ Cup nitong taon at umaasa ngayon si Meneses na ang paglahok sa season-opening conference ng D-League ay oportunidad para mapagsama ang laro ng mga beterano at bagito.

Hindi na makakasabak sa koponan si Teytey Teodoro pero malakas pa rin ang puwersa ng JRU na aasa na kina Paolo Pontejos at Ervin Grospe, ang 2017 PBA rookie draftee para pamunuan ang tropa.

Aagapay rin sina Jed Mendoza, ang bagong Bombers team captain, MJ dela Virgen, Aaron Bordon at Abdul Sawat na bubuo sa mga beterano, pati na ang matangkad na bagong hugot mula sa Cameroon na si Michael Mvogo, ang 6-foot-6 na si Jhumark Silvarez, 6-foot-5 Leonardo Esguerra at 6-foot-3 Marvy Ramos. At sina Mark Yu, Michael Perez at Justin Padua.

Susuporta sa Mandaluyong-based hoopsters ang Ginebram Mandaluyong Mayor Carmelita Abalos, Ting Victorino, Pia Espendido, Councilor Louie Espinosa at MC Soto Builders. (Lito Oredo)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?