89

Jan 11, 2022 @ 12:53
By

Bomba pinasabog sa bus, 6 sugatan

Anim katao, kabilang ang tatlong bata, ang sugatan matapos sumabog ang isang improvised na bomba sa loob ng isang pampasaherong bus sa Aleosan, Cotabato ngayong Martes.

Ayon sa ulat, nasa gitna ng biyahe ang Mindanao Star Bus dakong alas-8:00 ng umaga nang sumabog ang bomba.

Sa lakas umano ng pagsabog, halos bumaliktad ang bus.

“Parang umalsa ang likuran ng bus pagkatapos ng explosion, wasak ang mga bintana ng bus,” pahayag ng isa sa mga pasahero.

Batay pa sa testimonya ng ilang pasahero, sa bandang likod ng bus inilagay ang pampasabog.

Patuloy pa ring iniimbestigahan ang pangyayari. (MJD)

Abantelliling with Ritz Azul

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?