10

Oct 31, 2020 @ 10:47
By

Bomba ng Abu Sayyaf bistado ng militar

Napigilan ng militar ang posibleng pambobomba sa Indanan, Sulu matapos na mamataan ang isang improvised explosive device nitong Biyernes.

Ayon sa Joint Task Force Sulu, isang residente ang nabahala sa posibleng IED sa kanilang lugar, na nakatago sa dahon ng buko.noon.

“The IED sealed with coconut leaves which was composed of a mortar cartridge, 90RR projectile heat, five liters of Ammonium-Nitrate/Fuel-oil (ANFO), battery and an improvised blasting cap was emplaced near a barangay road which could have hurt innocent civilians within 20-meter radius,” saad ng militar.

Paniwala ng kasundaluhan, ang naturang bomba ay gawa ni Mundi Sawadjaan ng Abu Sayyaf, na dating itinuring utak sa pagpapasabog ng katedral sa Jolo noong 2019.

“The Abu Sayyaf Group is obviously frustrated by the series of their losses that they resort to the most hideous form of violent extremism — bombing. They want to instill fear, but the bravery and courage of our troops is unsurpassable,” ayon kay JTF Sulu Commander Major General William Gonzales.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?