30

Sep 18, 2021 @ 19:27
By

Bomba hinagis sa gym, 6 sugatan

Sugatan ang anim katao na naglalaro ng volleyball sa isang covert court sa Datu Piang, Maguindanao ngayong Sabado matapos may maghagis ng pampasabog.

Kasalukuyang inaalam ng mga awtoridad ang pagkakakilanlan ng mga naghagis ng pampasabog.

Ayon kay Lt. Col. John Paul Baldomar ng 6th Infantry Division ng militar, dakong alas-3:00 p.m. ng hapon ng may naghagis ng pampasabog.

Suspetsa nila, granada ang ginamit ng mga suspek. Ngunit tinitingnan din nila ang anggulong isang phone-triggered improvised explosive device ang pampasabog.

Patuloy na nagsasagawa ng imbestigasyon ang mga awtoridad.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?