35
beermen
May 10, 2018 @ 15:30

Bolts kinuryente ang Beermen sa debut ni Standhardinger

Nagbuslo ng pinagsamang 52 puntos sina Baser Amer at Chris Newsome at sinira ng Meralco Bolts ang unang laro ng 2017 top pick na si Christian Standhardinger sa pamamagitan ng 93-85 victory kontra San Miguel sa 2018 PBA Commissioner’s Cup.

Bumida sa Bolts si Amer sa kanyang 28 puntos kasama ang walong rebounds at tatlong assists, habang may 23 naman si Newsome na sinahugan ng pitong boards at walong assists.

May 13 si Jared Dillinger habang may 14 puntos, 18 rebounds at siyam na assists ang import nilang si Arinze Onuako.

Nanguna sa Beermen sina Alex Cabagnot at June Fajardo na may tig-16 puntos habang may 15 puntos si Marcio Lassiter. Nag-ambag ang import na si Troy Gillenwater ng 19 puntos at 14 rebounds.

Si Standhardinger ay nalimitahan sa limang rebounds, dalawang assists, dalawang turnovers at dalawang steals sa loob ng 20 minuto.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?