19

Sep 22, 2021 @ 19:29
By

Bolts inangkin twice-to-beat, giniba NLEX

Sinigurado ng Meralco Bolts ang second seed at twice-to-beat advantage sa quarterfinals ngayong Miyerkoles matapos daigin ang NLEX, 104-101 sa PBA Philippine Cup.

Nagmukhang madali para sa Bolts ang pagdispatsa sa NLEX matapos silang lumamang, 101-82, may pitong minuto na lamang sa laban.

Ngunit ginimbal sila ng pag-iinit ng rookie na si Calvin Oftana na pinangunahan ang ratsada ng Road Warriors kung saan naibaba nila sa 103-98 ang lamang sa huling 26 segundo.

Sumandal na lamang ang Meralco sa kanilang depensa para maingatan ang kanilang ikawalong panalo sa 10 laro.

Anim na manlalaro ng Bolts ang umiskor sa twin digits sa pangunguna ni Allein Maliksi na may 22 points, at Alvin Pasaol na tumikada ng 17 points.

Kinapos naman ang kabayanihan ni Oftana na may career-high 34 points tampok ang walong tres.

Tinapos ng NLEX ang kanilang elimination round campaign sa 5-6 kartada, sigurado na rin ang playoff spot.

May isa pa namang laro ang Meralco kontra Ginebra, bagamat wala ng magiging epekto sa kanilang standing ang ano mang maging resulta nito.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?