15
PH 3x3 lumapit sa Olympics
May 13, 2021 @ 11:20
By

Bolts ganado na para mag-ensayo

Handa na ang Meralco Bolts anumang oras na payagan na sa Metro Manila ang pag-eensayo ng mga propesyonal na koponan.

Ito ay matapos sumailalim ang buong koponan sa swab test nitong Miyerkules.

Sa ilalim ng PBA protocols, ang mga koponan ay bibigyan ng permisong magensayo mula pito hanggang dalawang araw matapos ang swab testing.

At dahil nakapag-test na ang Bolts, sakaling ibaba sa general community quarantine ang Metro Manila simula Mayo 15 ay makakapag ensayo na sila sa nasabing araw.

“Hinihintay namin ‘yung announcement kung papayagan na dito sa Metro Manila,” pahayag ni team manager Paolo Trillo.

Gayunpaman, kung hindi pa agad ibababa sa GCQ ang NCR ay nakaplano pa rin magdaos ng 10 araw na ensayo ang koponan sa Ilocos Norte.

Ang ensayo ng PBA teams ay papayagan lamang idaos sa mga lugar na nasa ilalim ng GCQ o MGCQ. 

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?