136

Dec 29, 2017 @ 12:56

Bolts coach Norman Black, nabunutan ng tinik kay Dillinger

Nakahinga nang maluwag si Meralco Bolts Norman Black sa pangambang baka hindi makalaro si veteran guard Jared Dillinger dahil sa hamstring injury sa kampanya ng koponan sa PBA Philippine Cup.

Suporta lang sa bench ang nagawa ng 33-anyos na Fil-Am sa laban ng Bolts kontra San Miguel noong Miyerkules sa Ynares Center sa Antipolo dahil sa iniindang pananakit sa bandang hita niya.

Natalo sila sa Beermen, 103-97.

Masaya naman si Black na walang napunit na muscle kay Dillinger ‘di tulad ng nakaraang taon na hindi ito nakalaro ng halos buong games sa all-Filipino conference.

“According to the doctor, there is no tear and there is no pull, so we’ll just wait until he feels more comfortable,” anang Bolts coach.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?