1,418

Oct 25, 2021 @ 18:15
By

Bolick sunog kay Ara Galang

“Ara Galang lang sakalam.”

Ito ang komento ng mga netizen sa naging resbak ni volleyball star Ara Galang kay NorthPort Batang Pier guard Robert Bolick sa pag-flex ng sinasabing bago nitong dyowa sa Instagram.

Sa burado nang IG post, makikita si Bolick na nakaakbay sa babaeng Cassandra Yu ang pangalan habang nasa bakasyon sila sa Cebu City.

Nag-comment dito ang girlfriend ni Bolick na si Abigail Maraño.

“Solid naman ng vacation nyo? Hindi ko alam may bago ka na,” sey ni Maraño.

May post uli si Bolick habang nasa restaurant sila ng nasabing babae.

Kabilang sa nag-react ang kaibigan ni Maraño na si Ara: “ULOL GAGO KA.”

Dahil dito, agad nagsara ng comment section si Bolick.

Pumatok ito sa mga netizen at trending ngayon sa Twitter:

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?