35

By

Bolick sinalba ang Batang Pier vs Bolts

Isinalba ng driving layup ni Robert Bolick sa natitirang 3.9 segundo ang NorthPort kontra Meralco, 93-92, sa pagkumpleto ng kampanya ng Batang Pier sa 44th PBA 2019 Commissioner’s Cup eliminations Biyernes ng gabi sa Cuneta Astrodome, Pasay.

Sinamantala ng third overall pick rookie ang pagluwag ng depensa ng Bolts upang maisalpak nito ang pampanalong basket tungo sa kambal na ragasa at kabuuang 9-2 win-loss record sa pagsemento sa No. 2, pinako sa 10th ang biniktima sa 3-7.

Nasayang ang triple double ni Meralco import Delroy James na 17 points, 11 rebounds at 10 assists at lumabo ang tsansang makasungkit ng isang silya sa quarterfinals.

Nagtistis si Bolick ng 18 markers, 4 boards, 2 feeds at 2 steals para sa Batang Pier.

“Hindi ko lang ipinahiya si coach Pido. Ibinigay niya kasi sa akin ang last play kaya ginawa ko lang dapat kong gawin,” aniya.

Nag-ambag si NorthPort import Prince Ibeh ng 15 pts., 15 rebs., 2 stls., 1 ast. 1 stl.

Jump shot ni Chris Newsome ang nagkaloob sa Bolts ng biggest 11-pt. lead sa 3:24 ng third quarter, 65-54 sa kinumpletong 12-0 attack.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?