13

Oct 28, 2020 @ 15:55

Bolick: Si God na bahala sa mga injury

HINDI man nakasama sa PBA bubble sa Pampanga si NorthPort guard Robert Bolick para sa league restart, positibo pa rin ang pananaw ng basketbolista.

Magugunita na nakaranas ng ACL injury ang 25-year-old playmaker at inabisuhan na ipagpaliban muna ang bubble season.

“This is one of the most challenging parts of my career. But at the same time siyempre you have to expand your game. Hopefully by next year may maidadagdag kami sa mga laro namin,” sambit ni Bolick sa “Sports Page”.

“I think we will never change the way we play, ma-injure man o hindi. Basta we just have to play our game kasi ‘yung mga injuries, mga ganyan, si God na bahala diyan.”

Bukod sa kanya, hangad rin ng dating San Beda stalwart na maging maayos na ang lagay ng iba pang mga injured players ng liga.

“Hopefully, matatapos na ito. Balik normal na tayo. Makikita ko na kayo dun sa games and lahat ng mga na-injured maging okay na next conference para maganda yung laban,” litanya ni Bolick. (Janiel Abby Toralba)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?