39

Sep 7, 2019 @ 17:25
By

Bolick puno ng pag-asa

Hindi nawawalan ng pag-asa si Robert Bolick kahit napatalsik na ang Gilas Pilipinas sa kontensiyon sa 2019 FIBA World Cup sa Beijing, China at sa automatic Olympic slot sa 2020 Tokyo Games.

“God is our strength in times of trouble so don’t be anxious nor worried. God will provide a way,” sabi ni Bolick bago nito harapin ang karibal na bansa sa Asya na Iran na pinakahuling laro ng Pilipinas sa kada apat na taong torneo.

“Motivation determines what you do. Attitude determines how will you do it. Faith is what you are capable of doing. We may not have the things we want but if we have to take a closer look with faith, we already have the blessings we need,” tweet niya pa.

“God listens to our prayers and He is responding in many ways we don’t exactly know and see. Just believe and have faith.”

Agad na natapos ang tsansa ng Gilas Pilipinas matapos na mabigo sa ikaapat na sunod na pagkakataon sa Tunisia, 67-86, at mabitawan ang tsansa na masungkit ang pinakahuling insentibo na “Best Team in Asia.”

Namumuro ang Gilas na mapabilang sa mga kandidato na mapapabilang sa hulihan ng 32-koponang torneo.

Sa kasalukuyan ay kasama ng Pilipinas ang mga wala pa rin panalo na Cote d’Ivoire (0-4), South Korea (0-4), Montenegro (0-3), Japan (0-3), Jordan (0-3) at Senegal (0-3).

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?