70

Mar 26, 2020 @ 14:08

Bolick pumatol sa FB page ng ‘NCAA vs UAAP Trashtalkan

Nawariwat ang mga netizen nang mag-appear at mapabilang sa trending Facebook group page ang NorthPort Batang Pier star na si Robert Bolick.

Sa nasabing Facebook page kasi na binansagang NCAA vs UAAP Trashtalkan ay makikita ang iba’t ibang netizen na lantaran kung maglaitan ng mga paaralan pero ang rule: bawal ang pikon.

Pero nagulantang ang mga netizen dahil maging si former San Beda star ay naki-join na at tila nakipagkulitan pa sa social media matapos magpost ng kanyang championship photo sa NCAA noong siya ay naglalaro pa sa koponang San Beda.

Sa post ni 24-anyos cager ay pabiro rin itong nagtataka kung bakit napalaot siya sa kanilang grupo o sa nasabing `outside world.’

Sa kabila naman nito ay pinanindigan niya ang pagiging alumnus ng San Beda at proud sa kanyang alma mater.

“Bakit ba ako nan dito? Hahaha Description: ? Hahaha san beda all the way!! Description: ❤️ 3PEAT,” caption ni Bolick.

Marami man ang natuwa, meron ding nang-bash.

@FrancisGiussani: “Ang panget ng bigote mo bogart”

@RuferdJuaniza: “MAGPAGALING KA MUNA SA INJURY MO BOLICK INGAY INGAY MO “

@MartinAnero: “Psst bogart sit down quiet na lang”

@JohnRabuya: “Payag ka non yung bigote mo daw hawig ng kay Hitler?”

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?