80

Aug 29, 2019 @ 20:12
By

Bolick, Perez tumibay ang samahan sa Gilas

Magkaribal noon sa NCAA ngunit ngayon ay malapit na magkaibigan na sina Gilas Pilipinas player Robert Bolick ng NorthPort Batang Pier at CJ Perez ng Columbian Dyip.

Nagtapat sa NCAA Finals azng San Beda Red Lions ni Bolick at ang Lyceum Pirates ni Perez sa huling dalawang season ng NCAA na kapwa pinagkampeonan ng Beda.

Kwinento ng dalawa ang kanilang naging samahan sa PBA All-Star Weekend pati narin ang training camp ng national team sa bansang Spain.

“Roommate kami sa All-Star, roommate kami sa Spain. We talked a lot. Minsan nag-iinuman kaming dalawa, nag-uusap lang kaming dalawa,” bahagi ni Bolick.

“Roommate ko ‘yan eh. All-Star hanggang Spain kaya ‘yung bonding namin gumaganda. Kahit na pinagra-rivalry mo kami sa NCAA pero hindi eh,” sabi naman ni Perez.

Sa papalapit na 2019 FIBA World Cup, magiging sandalan nina Bolick at Perez ang isa’t isa kasama na rin ang iba pang miyembro ng Gilas.

“Proud na proud ako sa kanya. I’m sure ganun din siya sa akin. Ngayon, set aside na ‘yung past. Close na kami masyado ngayon,” saad ni Bolick.

Dagdag naman ni Perez, “para sa akin, (‘yung bonding namin) magta-translate ‘yun sa court.”

Magsisimula ang kampanya ng Gilas Pilipinas sa FIBA World Cup sa darating na Agosto 31 kontra Italy, Setyembre 2 laban sa Serbia at Setyembre 4 kontra Angola.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?